ang mga sagot sa mga katanungan sa buhay
[somebody emailed these questions in my egroup; and someone was 'serious' enough to answer them]
1. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Pwede ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat, huwag gatas. (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi.)
2. Pwede bang gamitin ang A.M. (not F.M.) radio pag gabi na?
Maari lamang gamitin ang A.M. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay O.P.M.
3. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape".
4. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalagutan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.
5. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?
Oo, sila ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa Jollibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya. Ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi ....mcchicken singles.
Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6 pc. chicken mcnuggets o tinatawag na "o-r-g-y" sa inggles.
6. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week, at 365 days a year, bakit may lock pa ang pinto nila?
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.
7. Bakit di mataas ang highway?
Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.
8. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover.
Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"- lipad, "over"- sa ibabaw.
Ibig sabihin ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan.
Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pang-mayaman kaya't huwag na kayong magpumilit mamilosopo.. . ako lang ang may karapatan.
Kung idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na "sense of humor". Namamatay ng maaga ang palaging seryoso.
Sana ay nasagot ang ilan sa inyong mga katanungan sa buhay. Kung mayroon pang ibang bagay na bumabagabag sa iyong isipan huwag kayong mag-atubiling ilapit sa mga kina-uukulan o kaya sarilinin nyo na lamang para di kayo pagtawanan.
At lagi rin sana nating tandaan ang dayuhang salawikain na "ask a dumb question and you'll get a dumb answer."
Maraming salamat at walang anuman.
No comments:
Post a Comment